Thursday, June 25, 2015

THE BLOODY BIBLE "Reviving the value of Holy Bible in our hearts through a brief history"

Anumang uri ng pagbibigay ng extra-ordinaryong pagsamaba sa anumang material na bagay, tao, o element ay uri ng “idolatry”. Maging ang mga bagay na may kinalaman sa gawain ng pag-samba katulad ng rebulto, bahay-sambahan, tao (pastor,pope,pari,etc.) at maging ang Bibliya ay kasama sa mga dapat iwasang bigyan ng mataas na uri ng pagsamba. 

 Gayunpaman, ang Bibliya ay napakahalaga dahil ang mga nakapaloob Dito ay ang Nag-iisang Tamang “Batayan” ng lahat ng paniniwala (spiritual,moral, at practical), ito ang batayan ng pananampalataya, at batayan ng mundo. Ang Bibliya ay Buhay na Salita ng Diyos na sa panahon ngayon ay hindi na nabibigyan ng nararapat na pagpapahalaga.
Marami sa panahon ngayon ang may mataas na “pisikal” na pagpapahalaga sa Bibliya subalit hindi sa nilalaman nito. Resulta narin ito ng napakaraming kadahilanan katulad na lamang ng kawalan ng oras sa pagbabasa, kawalan ng sapat na pang-unawa, at kawalan ng kakayahan mag-basa. Ang iba naman ay napaka particular sa translation na kanilang babasahin. Sa ibang mga denomination/congregation ay may prescribed or nararapat na translation na dapat lamang nilang gamitin. Subalit ang isa sa nakikita ko din na napaka laking dahilan kung bakit marami ang wala talagang pagpapahalaga sa Bibliya ay dahilan narin sa kawalan ng kaalaman sa KASAYSAYAN nito.

Gaano karaming buhay ang nag sakripisyo upang ito ay makarating sa kamay ng bawat mananampalataya at mabasa sa kanilang sariling lenggwahe?. Anong paghihirap ang dapat nilang pagdadaanan upang maipag patuloy ang kanilang adhikain na mas maunawaan ng lahat ng tao ang mga katuruan na nakapaloob dito at maging daan sa kanilang tamang pagkaunawa sa Diyos at higit sa lahat ay sa kaligtasan?. Maraming beses itong pinigilan subalit totoo ang sinabi ng Diyos mismo sa Bibliya sa Matthew 24:35

“Heaven and Earth will pass away but my words will not pass away”

Hindi mo kailangan maging pastor o pari para maging bukas ang kaisipan na malaman ang kasaysayan ng Bibliya at maging pamilyar sa mga taong ginamit ng Diyos para mai preserve ito. Bilang isang tunay na mananampalataya,isang Kristyano, kung mayroong isang bagay ang dapat mong pinapahalagahan sa buhay mo, ito ay ang Bibliya, hindi ang libro o pisikal na katawan nito bagkos ang mga nakapaloob dito.

Itigil na natin ang mistisismo “mysticism” at ibalik natin sa katotoohanan ang ating pananampalataya. Pananampalataya na naka-pundasyon lamang sa nag-iisang limbag na Salita ng Diyos, ang BIBLIYA.

Sa article na ito ay sinubukan ko e compress sa pinaka mauunawaang paraan ang history ng Bibliya. Marami pang mga naganap sa pagitan ng mga taon na may kinalaman din sa history ng Simbahan at iba’t ibang mga denomination/religion. Subalit sinikap ko lamang na manatili sa paksa ng Bibliya dahil ang history ng Simbahan ay iba ring malawak na usapin na siyang nais kong isunod dito.

Ang orihinal na Bibliya ay nakasulat sa Hebrew at Greek. Ang Roman Catholicism sa panahon ng Roman Empire kung saan ang pope ang pinaka makapangyarihan sa lahat ay gumagamit ng Bibliya na nakasalin sa Latin na kung tawagin ay “Latin Bulgate”. Ang pagbasa ng misa sa simbahan ay nasa wikang Latin na bagmat hindi nauunawaan ng tao ay siya naring nakagawian ng lahat. Sa panahong ito tanging mga pari lamang ang may karapatang mag interpret at bumasa nito.

1348 – 1350 : The Black Death “The Great Plague”


• Isang kaganapan sa kasaysayan ng England na pumatay sa halos ¾ ng populasyon.
• Dahil sa matinding trahedyang ito, iniisip ng mga tao na walang ibang solusyon kundi ang matinding pagkilos ng Diyos (Divine Intervention)
• Nag take-advantage ang Roman Catholicism sa kaganapang ito kung saan gumamit sila ng supernatural na paniniwala upang mapalakas ang pananampalataya ng tao sa simbahan.
• Maging pagkain ng Eucharist ay naging daan ng mistesismo na siyang nagtutulak sa tao na mas kumapit pa sa simbahan dahil tanging sa pamamagitan lamang ng simabahan sila ay maliligtas.

1370John Wycliffe Challenged the Church


• Siya ang pinaka magaling na theologian ng mga panahong iyon
• Siya ay nagtapos sa Oxford University at kasalukuyang nagtuturo doon.
• Siya ay isang pari ng simbahang Katoliko
• Naniwala siya na nararapat lamang na lahat ng tao ay makabasa ng Bibliya sa England kaya pinagsumikapan niya na isalin ito sa wikang English.
• Dahilan sa hindi pa naiimbento ang printing press nung panahong iyon, sulat-kamay lamang ang pagsalin na kanyang ginawa.
• Kumalat ang Bibliya at siya ay naging matinding kalaban ng simabahan ng Rome.
• Namatay si Wycliffe out of natural cause.

1407 Burning of Wycliffes’ English Translated Bible
• Lahat ng mga translations ng Bibliya na gawa ni Wycliffe ay sinunog ng Roman Catholic Church
• Ito ay ibinilang na matinding ebidensya sa kasong “heresy”.

1415Church condemned Wycliffe as “heretic”
• Sa sobrang galit sa kanya ng mga friars ay ipinahukay pa ang kanyang bangkay at sinunog
• Ang abo ng kanyang mga labi itinapon kung saan saan bilang panakot narin sa mga tagasunod nito.

Transition Period:

-Nagpatuloy ang paghanap at pagsira sa mga ginawang translation ni Wycliffe, ganoon din ang pagpaparusa sa mga natagpuang naging deboto dito at sa mga kumalaban sa authority ng simbahan.
-Natigil lamang ang pagbabawal sa lantarang paggamit ng English translated na Bibliya ito nung maupo sa trono si King Henry VIII noong 1520.
- Dahilan sa patuloy na pag-aaral at paglabas ng ilang mga sinaunang sulat ng Apostol, nailimibag ang bagong Greek translation ng New Testament kung saan ito ay nakalimbag lamang sa salitang Latin at tanging mga pari lamang ang muling nakakaunawa at nakakabasa.

1494Rise of the William Tyndale

 
• Kilala si W. Tyndale bilang isang matalinong iskolar na nainspired ng bagong edition ng Greek New Testament
• Isa siyang mahusay na Linguist. Fluent siya sa French, Greek, Hebrew, German, Italian, Spanish, at Native English.
• Katulad ni Wycliffe, kinamuhian niya rin ang panlilinlang ng Simabahang Katoliko sa mga tao. Nagalit siya sa ginawang pagsusunog ng Bibliya. At hindi din siya naniniwala na pwede bilihin ang kaligtasan.
• Naniniwala din siya na dapat mabasa ng lahat ng tao ang Bibliya sa kanilang sariling wika.
• Ang kanyang mga hinaing ang nagtulak sa kanya upang isalin ang Latin Bible sa modern English language na siyang pang araw araw na lenggwahe nung mga panahong iyon.
Germany sa parehong panahon.
• Si Martin Luther ay kasalukuyan din noong nakikipag laban sa sinasabi niyang maling katuruan ng simabahang Katoliko. Ang argument niya ay TANGING PANANAMPALATAYA LAMANG ANG PARAAN NG ATING KALIGTAASAN AT HINDI SA PAMAMAGITAN NG GAWA.
• Habang ang punto ng Simbahang katoliko ay PANANAMPALATAYA NA MAY KASAMANG GAWA at kasama sa mga gawa na iyon ang pagbabayad ng indulhensya para sa kaligtasan at iba pang ritual ng simbahan gaya ng “pido baptismo” o pagpapabinyag ng sanggol at pagkain ng eucharsit.
• Sa Germany naganap ang Church Reformation and Rise of Protestantism

1522Isinalin at inilimbag ni Martin Luther ang Bibliya sa wikang German.
Balik sa Englatera…
• Matinding pagsusumikap ang ginawa ni Tyndale upang magaya niya ang tagumpay ni Martin Luther na naging tanyag sa Germany kung saan kumalat ang balita na siya namang nakarating sa Englatera.
• Subalit hindi magiging ganun kadali para kay Tyndale ang tagumpay dahilan sa hindi tulad ni Luther na protektado at suportado ng Local rulers sa Germany, si Tyndale ay walang nakukuhang suporta at mahigpit pang ipinagbabawal sa England ang kanyang ginagawa.

1524Tyndale Fled England
• Naisip ni Tyndale na hindi niya magagawa ang pagsasalin ng Bibliya kapag nanatili siya sa Englatera kaya nag pasya siyang lisanin ito. Walang tiyak na nakaalam kung saan siya nagpunta subalit ayon sa pag-aaral ay malaki ang posibilidad na sa Germany din siya nagpunta kung saan malayang namumuhay ang mga Protestants.
• Pinagpatuloy niya ang pagsasalin sa tulong narin ng kanyang kaibigan na si William Roy, isang dating English friar.
• Gamit ang common English, ilan sa mga salita ang personal niyang pinalitan sa termenolohiya na hindi mabibigyang parangal ang R. Katoliko. Ang sumusunod ay ilan sa mga translations na kanyang pinasimple lamang: ( Priest : Presbiter, Charity:Love, Mighty hierarchy church: Congregation)

1525, August : Planned date to Publish the first English Translation
• Nakahanda na ang lahat upang mailimbag ang kabuuhan ng kanyang gawa subalit sila ay ni raid. Dahilan sa pagmamadaling makatakas, madami sa mga pahina ang nawala.
• Dahilan dito ay kinailangan muli niyang pagtuunan ng oras at panahon ang pagkukumpleto ng translation
• At matapos ang isang taon

1526 : Publishing of Church Bible
• Ang Bibliyang ito ay nakalimbag sa maliit na letra, maliit din lamang ang libro dahilan narin sa ito ay hindi pwedeng gamitin ng lantaran.
• Bagamat ito ay maliit, ito ay nakabuti dahil para sa mga nakabili nito, ito ay naging bahagi ng kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
• Bagamat hindi siya makabalik ng England, nakarating ang Bibliya sa England na ibinebenta sa Black market.
• Nang mapag-alaman ito ng Church of England ay ipinakumpiska nila ang mga ito at ipinasunog sa harap ng publiko. Ang pagsusunog nila ng Bibliya ay siya ding nagpa-alab ng pananampalataya at kauhawaan ng marami sa Salita ng Diyos.
• Marami ang lumabas na tagasuporta sa Englatera na siyang ipinapatay at ipinasunog ng Simbahang Katoliko.
• Nagpatuloy si Tyndale at nakarating ng Belgium. Hindi lantad ang kanyang pagkatao doon at gumamit siya ng iba’t ibang pangalan tulad ng ( Martinez Gaiza, Baltazar “you know who”, at Adam “you don’t know who).
• Nanatili si Tyndale sa Antwerp Belgium, isang maunlad na bayan, kung saan supestikado ang pantalan ng Barko na siyang may dumadaong din ng England upang magdala ng mga paninda at produkto.
• Naging organisado ang pagpasok ng English Bible sa England. Pahina bawat pahina ang pagdadala nito doon at sa Englatera na lamang ito binubuo.
• Naging mataas ang demand ng Bibliya sa England subalit itinuring na illegal na kontrabando.
• Bagamat naging matagumpay si Tyndale, lingid sa kanyang kaalaman ang nagbabadyang panganib.

1535 Arrival of Henry Philips in Belgium
• Ipinakilala ito sa kanya at nagi silang magkaibigan.

1535, May 21 : Betrayal of Henry
• Inimibitahan si Tyndale ni Henry sa isang hapunan subalit ito ay set-up pala
• Inaresto si Tyndale at ikinulong sa Brussels.
• Siya ay ikinulong at matapos ang 500 araw

1536, October: Death of William Tyndale
• Siya ay sinunog sa harap ng publiko matapos sakalin ng tali.
• Bagamat nawalan ng malay dahil sa pagsasakal nagising parin siya nung siya ay sinusunog na at naramdaman ang matinding sakit ng pagkasunog.
• Ang Bibliya ay nakaabot sa kamay ng asawa at anak ni King Henry VIII. Ito ay nag-impluwensya ng malaki at naging dahilan upang ma convert ang asawa at anak ni King Henry VIII.
• Nang makita ni King Henry ang Bibliya na translated ni Tyndale ay na kumbinse siya na wala naman palang nakasulat doon na kumakalaban sa otoridad niya.
• Nakakalungkot mang isipin dahil matapos lamang ang ilang buwan ay na legalized din ang translated Bible ni Tyndale.
Transition:
- Dahilan sa hindi mabigyan si King Henry ng anak na lalaki ng kanyang asawa, hiniling niya sa Simbahang Katoliko na bigyan siya ng deborsyo upang makapag asawa muli.
- Hindi natuwa si King Henry sa pangyayaring ito. Kailangan ni King Henry ng simbahan na magbibigay sa kanya ng deborsyo.
- Ang pangyayaring ito ang nagtulak kay King Henry VIII na humiwalay sa simbahang katoliko at gawin niya ang kanyang sarili bilang head ng simbahan. Dito nabuo ang Church of England or Anglican Church.
- Ipinasara ni King Henry ang napakaraming medieval churches sa England.
- Sa bagong simbahan kung saan si King Henry ang ulo ng simbahan, inatasan niya ang isang tao na maging tagapamahala ng TRANSFORMATION. Ang taong ito ay si Thomas Cranmer, Archbishop ng Canterbury England.

• Bagamat ang kanyang responsibilidad ay pamahalaan ang makabagong simbahan, si Thomas Cranmer ay mayroong mas malawak na layunin at yun ay ang palaganapin ang Protestants ideals.
• Si Cranmer ang nag authorized ng paggamit ng first English Bible sa lahat ng Anglican churches.
• Ang Bibliya na dapat lamang gamitin ay ang “The Matthew Bible” na sinasabing gawa ni Thomas Matthew subalit sa loob nito ay makikita ang malalaking initials na “W” and “T” kaya napag alaman na ang Bibliya na kanyang ipinapalaganap ay gawa talaga ni William Tyndale.
• Hinikayat din ni Cranmer na basahin ng lahat ng tao ang Bibliya na nakaapekto sa ilang mga simbahang Katoliko at maging sa Anglican na simbahan.
Ayon sa mga scholars:
Sa hindi pagkilala sa authority ng Pope ni Henry VIII ay masasabing protestant subalit sa pananampalataya and practices ng mga ritual…hindi siya masasabing protestant. Nanatili ang church of England sa pagkakaroon ng clergy, at bishop.
• Isang malaking challenge kay King Henry ang pagkakahati ng simbahan.

1547Death of King Henry VIII
• Ang sumunod sa trono niya ay si King Edward na 9 years old pa lang noong mga oras na yun.
• Si King Edward ay inaanak ni Thomas Cranmer
• Dahilan dito ay naka bwelo si Cranmer sa pagpapalaganap ng Protestant ideals sa panahon ni King Edward
• Subalit bilang lamang ang itinagal ni King Edward sa pagiging hari dahil sa ito ay namatay.
• Ang sumunod sa trono niya ay si Queen Mary I or mas kilala sa bansag na “Bloody Mary”.
• Queen Mary I ay isang debotong Roman Catholic
• Ipinapatay niya ang mahigit sa 300 protestante kaya siya nabansagang “bloody Mary”
• Ipinahuli niya si Cranmer at pinilit itong bawiin ang kanyang paninindigan sa kanyang pananampalataya.
• Nalinlang sila ni Cranmer nung pumayag ito sa gusto ng reyna na sa harapan ng madla ng Oxford University.
• Kinuha ni Cranmer ang pagkakataon na makapagsalita sa publiko, subalit sa huling bahagi ng kanyang nakasulat na pahayag ay iniba niya ito at nanindigan parin sa kanyang pananampalataya laban sa maling katuruan ng Roman Catholic at paninindigan nito sa Bibliya.
• Dahilan sa ginawa niyang ito, ipinapatay si Cranmer ni Queen Mary I. Sinunog siya ng buhay sa harap ng publiko.
• Makalipas ang 2 taon, ay namatay si Queen Mary I.
Transition:
- Ang pumalit sa trono ni Queen Mary I ay si Queen Elizabeth na isang Protestant.
- Bagamat isang protestant, si Queen Elizabeth ay masasabing isang compromising protestant.
- Taglay niya ang Protestant doctrines, gamit ang English Text Bible pero nanatili siya sa pamamaraan ng Episcopalian Church or the medieval church na mayroong mga rituals, bishops at archbishops.
- Hindi ang santo papa ang head ng church kundi siya.
• Sa mga panahong iyon, ang mga Puritans ang siyang mga masigasig na ma reform ang simbahan at tuluyang mabuwag ang Episcopalian structure ng simbahan na pinaniniwalaan nilang ugat ng corruption ng simbahan at pananampalataya.
• Isinulong ng mga Puritans ang ka simplehan ng simbahan na naaayon sa Bibliya. Walang rituals, walang palamuti, walang mga kandila, walang mga bishops. Ang nais nila ay simpleng pagsamba na nakabase lamang sa kung anong nakasulat sa Bibliya.
• Dahilan sa adhikain na ito, bagamat pabor sa mga prostetant beliefs ang reyna, hindi masaya ang mga puritans dito.
• Sila ay gumamit ng sarili nilang Bibliya na tinawag na “Geneva Bible”. Bagamat ito ay one-sided na Bible dahilan sa mayroon itong mga commentaries na direktang umaatake sa English Church.
• Sa kabilang banda naman, ang mga na exiled na pari ay naglimbag din ng isang uri ng Bibliya na kilala bilang “Douay Bible”. Subalit ang Bibliyang ito ay hindi para sa congregation bagkos para sa mga pari lamang.
• Bagamat magkaibang limbag ng Bibliya, ang dalawang Bibliyang ito ay parehong umaatake sa “Bishop’s Bible” na required basahin ng mga bishops araw araw.
• King James was the successor of Queen Elizabeth.

1604King James Called for a 3-day Conference
• Ang conference na ipinatawag ni King James ay para maayos ang dispute o kaguluhan sa pagitan ng mga Protestant Reformers and Anglican Church (simbahang katoliko sa England na ang head ay ang hari at hindi ang pope).Ito rin ay para sa kakontentuhan ng dalawang partido (Anglican and Reformers) tungkol sa tamang Bibliya na dapat gamitin. Sa conference na ito nag-mungkahi si King James ng isang mas katanggap tanggap na limbag ng Bibliya para sa magkabilang panig na maaaring maging batayan at saligan ng isang National Church. Bibliya na magiging angkop din kahit sa mga ritual ng simabahang Anglikano.
• Nagustuhan ng parehong panig ang King James Version ng Bibliya.
• Bagamat nagmukhang patas ang King James Version ng Bible, hindi pa rin pinili ng mga Puritans na yakapin ang Anglican Church.
• Mas pinili nila na manindigan sa pagkakaroon ng kalayaan sa relihyon katulad din ng paninindigan ng Anglican Church na hindi sila mag ko kompromiso.

1630 Foundation of the Puritan Church
• Ang mga Puritans ay naniniwala na ang Bibliya ay dapat e-interpret ng mga tao hindi ng mga priests
• Ang mga Puritans din ang nagbigay ng daan sa Democratization ng Christianity na mayroong malaking impact both religious ang political
• Ang mga Puritans ay mga hindi masasayang Kristiyano laban sa Anglican Church or Church of England. Sakay ng isang itim na barko patungo sana ng Holland ay na stranded sila sa putikan kaya napadpad sila sa Massachusetts kung saan naitayo ang kauna unahang Puritan Church
• Ang Puritan Churches ang naging ugat ng lahat ng iba’t ibang Protestant Churches sa buong mundo.
• Ang Puritans ang nagbigay daan sa pagkaka buo ng iba’t ibang protestant denominations sa panahon ngayon kabilang ang Baptist, iba’t ibang Pentecostal Churches, Methodist Church, Seventh day Adventist, at marami pang iba.

Kung hindi ako nagkakamali ay mayrong 105 na uri ng English Bibles ang mayroon sa buong mundo. Hindi pa dito kasama ang translation nito sa lahat ng wika. Maaaring ang ilan sa inyo ay mag kwestyon sa kung ano ba sa mga ito ang lehitimo. Walang problema sa tanong na ito? Malaya ang sinuman na e challenge o kwestyunin ang alin man sa mga limbag na Bibliya na sa tingin niya ay hindi katanggap tanggap subalit huwag natin kalilimutan na ang lahat ng mga ito ay Salita parin ng Diyos. Ang limbag at translation o interpretasyon ay maaaring ma kwestyon subalit hindi ang mismong Salita ng Diyos.

Ang ilan sa mga terminolohiyo ay maaaring may malalaki nang pagkakaiba subalit ito narin ay may malaking kinalaman sa pagbabago ng kultura at pagbabago mismo ng paraan ng pagsasalita ng mas malaking bilang ng tao. Halimbawa nalang ng salitang “charity” na ngayon ay naging “love”, at ang “thou” na ngayon ay “you”. Mahirap naman sabihin sa taong mahal mo na na “I charity thou” di ba?

Ang Bibliya kahit kalian ay hindi maaaring magkamali subalit ang interpretasyon ay oo. Dito ngayon papasok ang malaking sa mga ka pastoran na magpatuloy sa pagpapalawak ng kaalaman at pag-aaral sa theology upang maiwasan ang pagkakamali. Iwasan ang pagtuturo na lahat ay nakabase sa emotion at praktikalidad.

Gayundin naman sa lahat ng individual na mananampalataya na manatili sa spiritual na pangangalaga ng kanilang mga pastor at iwasan ang basta basta pag interpret ng Bibliya lalo pa’t wala namang masusing pag-aaral na ginawa. Ang Bibliya ay hindi subject for “opinion” mayroon itong tumpak na sinasabi at may pag-aaral na ginagawa sa pagbabasa nito.

Napakalaking hamon sa Kristyanismo sa panahon ngayon ang paglalapastangan sa Banal na Kasulatan/ Bibliya dahilan sa ang mismong kumkalaban na rito ay hindi na mga taong walang pananampalataya sa Diyos bagkos mga taong mga maingay sa kanilang pananampalataya subalit pilit na pinipilipit ang mga nakasulat dito para lamang ma suportahan ang kanilang personal na adhikain.

Narito po ang mga Bible verses mismo na makakatulong sa pagpapatatag ng iyong paniniwala sa Bibliya. Mabuti pong iyong buklatin mismo ang Bibliya para suriin ang kung tama ang mga ito. Mas mabuti sa isang tunay na Kristyano ang maging mapanuri kagaya ng sinasabi sa Acts 17:11

“These were more noble than those in Thessalonica, in that they received the word with all readiness of mind, and searched the scriptures daily, whether those things were so.”

God Bless!

A. Old Testament Writers Claimed Their Message Was from God

Isaiah 1:2 - The Lord has spoken.
Jeremiah 10:1,2 - Hear the word which the Lord speaks. Thus says the Lord...
Ezekiel 1:3 - The word of the Lord came expressly.
Hosea 1:1,2 - The word of the Lord that came ... the Lord began to speak by Hosea, the Lord said...
Jonah 1:1 - The word of the Lord came to Jonah.
Micah 1:1 - The word of the Lord that came to Micah.
Zech. 1:1 - The word of the Lord came to Zechariah.
[See also Joel 1:2; Amos 1:3,6, etc; Obad. 1:1; Zeph. 1:1; Hab. 2:2; Deuteronomy 30:9,10; Numbers 12:6-8; 23:5,12,16,19; plus see references in other sections.]

B. New Testament Writers Claimed Their Message Was from God

1 Corinthians 14:37 - The things I write are commands of Lord.
Ephesians 3:3-5 - The things Paul wrote were made known to him by revelation. Formerly these things were not known but have now been revealed by the Spirit to apostles & prophets.
1 Thessalonians 4:15 - We say by the word of the Lord.
1 Timothy 4:1 - The Spirit expressly says.
[2 Thessalonians 3:12; John 12:48-50; Acts 16:32; Romans 1:16; 1 Thessalonians 1:5]

C. Inspired Men Claimed that What Other Writers Wrote Was from God.

Matthew 1:22 - A quotation was spoken by the Lord through the prophet.
Matthew 2:15 - Another passage was spoken by the Lord through the prophet.
Acts 1:16 - The Spirit spoke by the mouth of David.
Acts 28:25 - The Holy Spirit spoke by Isaiah ... prophet.
Hebrews 1:1,2 - God spoke in times past to the fathers by prophets. But now He has spoken to us by His Son.
Matthew 15:4 - Jesus Himself confirmed that Scriptures were from God. He quoted the Law revealed through Moses and said it was what God commanded.
Matthew 22:29-32 - He said the Scriptures were spoken by God.
Luke 10:16 - He also confirmed the inspiration of the New Testament for He told the apostles who wrote it: He who hears you, hears Me; he who rejects you rejects Me and rejects Him who sent Me
John 16:13 - He promised the men who penned the New Testament that the Spirit would guide them into all truth

To deny or question that the Bible writers spoke from God is to deny and reject the truthfulness of their own statements about themselves, their statements about one another, and Jesus' statements about Scriptures.

[Matthew 19:4-6; John 10:35; 2 Chronicles 34:14-19; Isaiah 2:1-3; Matthew 22:43; Romans 1:1,2; Hebrews 3:7; 1 Peter 1:10-12; 2 Peter 1:20f; 3:15f; Acts 4:24f]

D. The Writers Denied They Wrote by Human Wisdom

Jeremiah 14:14 - If a man speaks as though he has a message from God when God really did not speak to him and the message is just his own idea, that man is a false prophet and deserves to be punished and rejected as a prophet (23:16,26; Ezekiel 13:2-7,17).

Clearly if the Bible writers wrote a message of their own origin, then they are condemned as false prophets by their own words.

Ezekiel 3:26,27 - A prophet was not to speak until God opens his mouth ... When God did move him to speak it would be a thus says the Lord God.

Matthew 10:19,20 - It is not you who speaks but the spirit of the Father speaks in you.
1 Corinthians 2:4,5 - Preaching was not with words of human wisdom. Their faith should not stand in the wisdom of men but power of God. Faith is based on the message preached (Romans 10:17). To the extent the message is human in origin, then the faith rests in the men who originated it. Paul expressly did not want their faith to rest on human wisdom but in God's wisdom and power.
Galatians 1:8-12 - The gospel came not from man but was revealed from Jesus. To preach another is to be accursed. Hence, to preach a message that is human in origin is to bring God's curse upon us.
1 Thessalonians 2:13 - The message is not word of men but the word of God.
2 Peter 1:20,21 - Prophecy never came by will of man, but holy men spoke as moved by the Holy Spirit.
Revelation 22:18,19 - If men add their teachings to the book, God will add the plagues written. They were not just forbidden to write something entirely human. They were forbidden to take a message from God and then add something human to it.
[Numbers 22:35; chap. 23 (see below); Deuteronomy 18:18-22; Matthew 15:9]

E. The Writers Claimed Inspiration for Everything in Scripture


The writers did not claim that part of their writings were God's will and maybe part was not. They claimed everything they wrote was from God so it was all authoritative.
This follows from the last point. The writers were prohibited from adding anything human. If anything human was added, they were under a curse. Hence, if none of it is human, then all of it must be of God.
Note also the following Scriptures:
Exodus 24:3,4,7,8 - God's will included all that was written. The people agreed to keep it all. But man-made teachings are not authoritative such that men must obey them in religion (Matthew 15:9). If all must be obeyed, then all must be from God.
Deuteronomy 17:18-20 - The king was to copy the law and keep all that was written.
Joshua 1:7,8 - Joshua was to observe all written in the book.
Matthew 4:4 - Man must live by every word from the mouth of God.
2 Timothy 3:16,17 - All Scripture is inspired by God and profitable for teaching & furnishing to all good works.
Note especially these passages from 2 Peter:
2 Peter 1:20,21 - No Scripture is of private interpretation; for prophecy never came by will of man, but men spoke as moved by the Holy Spirit. Consider the significance of "interpretation" here. The context shows the reference is to the prophets who wrote the Scriptures, not to the readers of the Scriptures.

Note: For (this explains the previous statement) prophecy never came by will of man, but men spoke as moved by the Holy Spirit. The passage is discussing how prophecy came and how prophets spoke, not how it is studied.

If God just gave ideas and men explained them as they thought best, Scripture would be of private interpretation (like the difference between what the president says and what the news commentators say about what the president said)! But this is not the case with any Scripture or any prophecy.

Instead, the men spoke as moved by the Spirit. The Spirit carried them along to a destination of His choosing, not of the prophets' choosing (like a person carrying a burden - Luke 23:26, or a ship being borne by the wind - Acts 27:15,17). This passage directly disproves the view that God gave men ideas and they explained them as best they could by human wisdom.

2 Peter 3:15,16 - This concept of inspiration applies to the New Testament as well as to the Old Testament, because later in the same book Peter said writings of Paul in the New Testament are Scripture like "other Scriptures." [Cf. 1 Timothy 5:18 to Luke 10:7]

[John 14:26; 16:13: Deuteronomy 31:9-13; 18:18-22; Josh 23:6; Jeremiah 25:13; 30:1-4; 26:1-4; Acts 3:22,23; Mat. 28:18-20;

II. Ito Ay Salita ng Diyos ( Diyos ang Nagbigay ng mga Salita.)
________________________________________
Revelation 19:9 - These are true sayings ("words" - ASV) of God. God did not just give the ideas and let men choose the words to express them. God guided the men in the very words they chose so that every word was the word God wanted, not the words the men chose by human wisdom. This is exactly what 2 Peter 1:20,21 said. Note other Scriptures.
Exodus 4:14-16; 7:1,2 - In calling Moses, God defined the work of a prophet. Aaron was Moses' "prophet" like Moses was God's prophet. A prophet was a spokesman. The one who originated the message put the words in the prophet's mouth.
Exodus 24:3,4,8 - Moses gave the words the Lord spoke.
Deuteronomy 18:18-22 - God put His words in prophet's mouth.
2 Samuel 23:2 - The Spirit's word was on my tongue.
Isaiah 51:16 - I [God] put my words in your mouth.
Isaiah 59:21 - My words which I put in your mouth.
Jeremiah 1:4-9 - I have put My words in your mouth.
Jeremiah 30:1-4 - Write all the words I have spoken.
Jeremiah 36:1-4 - Write all the words I have spoken.
Ezekiel 3:4 - Speak with My words to them
Zech. 7:12 -The words the Lord sent by His Spirit.
Matthew 10:19,20 - Given by Spirit what and how to speak.
1 Corinthians 2:4 - Preaching was not in words of human wisdom, so faith would not stand in man's wisdom but in power of Spirit. This could only be so if the words were given by the Spirit, not by the man.
1 Corinthians 2:10-13 - The message spoken was given to the men by the Spirit. Then they spoke in words taught them by the Spirit not by man. If the Spirit just gave the ideas and the men chose the words, this would be just the opposite of what this verse teaches.


III. These Are True Words

- No Errors in Scripture
Psalm 19:7-9 - God's word is perfect, right, true.
Psalm 33:4 - God's word is right & done faithfully.
Psalm 119:128,142,160 - All God's precepts are right.
John 17:17 - God's word is truth.
Romans 3:4 - Let God be true, though men may lie.
Titus 1:2,3 - God, who can't lie, manifested the word.
Hebrews 6:18 - It is impossible for God to lie.
Revelation 21:5 - The words written are true and faithful.

Thursday, June 11, 2015

God Feeding the Multitudes "Ang pagpapakain ng Panginoon sa 5000 tao"



God Feeding the Multitudes (5000 men + +)
Matthew 14:13 to 21


Lesson: We can only witness God’s glory and experience His Grace  once we put our life in His hand.


Ang unang bahagi ng Chapter 14 ay naglalaman ng kamatayan ni John the Baptist sa paraan ng pagpugot ng ulo. Sa Matthew 14:12 nakasaad na ipinag-bigay alam ng mga disipolo kay Hesus ang pangyayaring ito. Bagamat siya ay Diyos, bilang 100 percent na tao, tiyak na nakaramdam din ng pagka lungkot ang Panginoong Hesus kaya siya ay nagpasya na magpunta sa isang lugar na malayo sa mga tao sa pamamagitan sakay ng bangka. 

Matthew 14:13

When Jesus heard of it, he departed thence by ship into a desert place apart: and when the people had heard thereof, they followed him on foot out of the cities.

Sa panahong ito ay kumalat na ang pagtuturo ni Hesus tungkol sa kaharian ng Diyos, at dahilan narin kay John the Baptist na siyang kinikilalang propeta nung panahong iyon ay nakilala ng marami si Hesus kaya katulad ng isang sikat na artista sa panahon ngayon, nagkaroon si Hesus ng maraming taga subaybay na kung nasaan siya ay naroon din sila. 

Bagamat hindi naman klaro na nabanggit sa text ang dahilan ng kanyang paglisan, hindi din binanggit na siya ay nagdesisyon magpunta sa isang desolated na lugar para magturo o magpagaling. Mas malaki ang posibilidad na siya ay mananalangin dahil makikita sa Bibliya na ugali ng Panginoong Hesus na lumayo at mag-isang manalangin kapag mayroong mga di magandang pangyayari. 


Matthew 14:14
And Jesus went forth, and saw a great multitude, and was moved with compassion toward them, and he healed sick.


Sa kabila ng balita tungkol sa pagkamatay ni John the Baptist kung saan maaaring matindi ang kalungkutan na nadarama ng Panginoong Hesus sa mga oras na iyon ay hindi ito naging dahilan upang hindi niya harapin ang mga tao na sumunod sa kanya at doon nga siya nagpagaling. 

Isang napaka laking pagkakaiba sa marami sa ating mga lingkod ng Diyos sa panahon ngayon na minsan ay nakakalimot na ang pangangalaga sa ating mga pinagpapastoran ay hindi dapat seasonal, and sabi ng Bibliya sa 2 Timothy 4:2 ”preach the word; be ready in season and out of season;rerove rebuke, and exhort with complete patience and teaching. Minsan pa nga ay naaapektuhan ang ating gawain sa paglilingkod dahilan sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating mga personal na buhay. Nawawala ang focus, dedication, at “compassion” o matinding pagkahabag at minsan ay ginagampanan nalang naten ang paglilingkod sa kapwa ng wala namang “laman”/susbtance.

Ikumpara mo din sa ugali ng isang hindi mananamapalataya o ordinaryong mananampalataya na napaka “conditional” din by nature. Napaka layo sa ugali ng Panginoong Hesus.

Ito ang isang characteristic ng Panginoon na marapat lamang na ating pagsumikapan taglayin dahil ang mga taong ating pinangangalagaan ay mga tupa ng Panginoon. John 21:15 “ When they had finished breakfast, Jesus said to Simon Peter, do you love me more than these? He said to him, Yes, Lord; you know that I love you, He said to him, “Feed my Lambs”. Kung ikaw at ako ay tunay na nagmamahal at kumikilala sa Panginoon, mayroong instruction ang Panginoon sa atin at iyon ay ang pakainin at paglingkuran natin ang kanyang mga tupa. Ito ay tumutukoy sa dalawang uri ng pagpapakain, pagpapakin ng Spiritual na katuruan at pagpapakain din ng totoong pagkaing pang-pisikal.


Matthew 14:15
Now when it was evening, the disciples came to him and said, “This is a desolate place, and the day is now over; send the crowds away to go into the villages and buy food for themselves.


Napansin ng mga disipolo na gabi na at alam nilang marami na sa mga taong naroroon ang tiyak na gutom na kaya iminungkahi nila kay Hesus na pauwiin na ang mga ito at hayaan na silang bumili o maghanap ng kanilang sariling makakain. Maganda na naging concern ang mga disipolo sa physical na condition ng mga tao, pero tulad ng marami sa atin, magagaling tayo mag identify ng pangangailangan ng iba, pagkukulang ng iba, at pagkakamali ng iba, subalit bibihira sa atin ang nakahandang mag provide para matugunan ang mga ito. 

Magaling tayo mag offer ng panalangin o  moral support  sa ating mga kaibigan, kapamilya, o sa mga myembro ng Simbahan subalit hindi naten magawa tugunan sa abot ng ating makakaya ang specific nilang pangangailangan. Maaaring ang iba sa atin ay iniisip na baka kasi umabuso o baka kasi hindi naman totoo ang kanilang mga idinudulog  kaya bahala na ang Diyos sa kanila. 

Nakakalimot tayo na bilang isang lingkod o taga sunod ng Diyos ay tayo ginawa niyang daluyan ng pagpapala upang pagpalain ang iba. Kaya madami ang napapalayo ng husto sa Panginoon ay dahil kung sino pa ang hindi mananampalataya at lingkod ng Diyos ay sila pa itong mas bukas ang palad tumulong, mga tulong na minsan ay nanggaling pa sa hindi maganda.
Binigyan din tayo ng Panginoon ng karunungan o kakayahan (wisdom and ability) na maaari natin gamitin sa pakikipag-usap sa mga tao upang magawa natin ng naaayon an gating pagtulong. 

Dapat ay mas higit na matalino ka bilang mananampalataya kaysa sa mga hindi. Matthew 10:16 “Behold, I am sending you out as sheep in the midst of wolves, so be wise as serpents and humble as doves.”
Marami pa nga sa atin ang minsan ay iniisip na sobra na ngang ialay naten ang ating buhay sa paglilingkod, pati ba naman personal na possessions ko ay ibabahagi ko pa?. Hindi ito ang uri ng paglilingkod na hinihingi ng Panginoon sa atin. Huwag tayo makalimot na tayo ay matagal ng patay at kung tutuusin ay wala na ring mga pag-asa maligtas subalit binili niya tayo ng kanyang banal na dugo, anong dahilan natin upang ipagdamot ang temporal na mga bagay na meron tayo ngayon kapalit ng panghabambuhay ng kaligtasan na ibinigay Niya sa atin?.

Alalahanin natin na wala na tayong pag-aari sa bagong buhay na ating tinatamasa ngayon. Philippians 3:7  “But whatever gain I had, I counted as loss for the sake of Christ.” Ang pananagutan natin sa ating kapwa ay hindi limitado sa Spiritual subalit hindi din naman maaari na puro lang physical, emotional, social, at pang-kaisipan ang tulong ang ating dapat ibigay sa iba.

Matthew 14:16-20

16 But Jesus said, “They need not to go away; you give them something to eat.”

17 They said to him, “we have only five loaved here and two fish.”


18 And he said, “Bring them here to me.”

19 Then he ordered the crowds to sit down on the grass, and taking the five loaves and the two fish, he looked up to heaven and said a blessing. Then he broke the loaves and gave them to the disciples, and the disciples gave them to the crowd.

20 And they all ate and were satisfied. And they took up twelve basket full of the broken pieces left over.

Hindi pinahintulot ng Panginoon ang suhestyon ng apostle tungkol sa pagpapa-uwi sa mga tao na naroon. Bagkos inutusan niya na pakainin ang mga ito. Sa pangyayari na ito ay dapat natin makita na ganyan ang pag-ibig ng Panginoon sa mga taong tapat na sumunod sa kanya, sa mga taong desperado na sa buhay at taning sa kanya na lamang nakakapit, hindi ka lamang niya bibigyan ng kapayapaang pang-spiritual, siya rin ay magbibigay-tugon sa pangangailangan nating pang-pisikal.

Kahit kailann ay hindi siya magkukulang lalo pa sa mga tao, tayo na siyang pinaka mataas at mahalaga sa lahat  ng kanyang mga nilikha. Matthew 6:26 Look at the birds of the air: they neither sow nor reap nor gather into barns, and yet your Father feeds them. Are you not of more value than they?
Matapos ang pagpapagaling ni Hesus sa mga may sakit nung oras na iyon, isang Himala pala ay siyang mangyayari na magpapakita sa mga disipilo ng kanyang matinding kapangyarihan. Ipinakita ng disipolo ang 5 tinapay at dalawang isda sa harap ng Panginoon, at ng dumampi ito sa kamay ng Panginoon ito ay dumami at nagawa nitong pakainin ang mahigit 5,000 tao na naroon. 

Tiyak na natuwa ang mga tao na nakatanggap ng pagkain noong mga oras na iyon subalit tiyak rin na mas higit ang kaligayahan ng mga disipolo na silang naka saksi ng himala mula sa Panginoon. Mas higit ang kanilang kaligayahan habang nagpapa-kain kaysa sa mga tumatanggap. Kahit sinong matalinong accountant of financial analyst ay hindi magagawang ipaliwanag kung paanong nangyari na mapakain ang ganung ka daming tao mula sa 5 tinapay at dalawang isda at may natira pang 12 basket na puno ng laman. 

Sadyang naka mamangha ang pangyayaring ito subalit huwag natin palampasin na maunawaan kung ano ba talaga ang nangyari at ano ang maaaring ibig sabihin at ipakita ng Panginoon sa atin mula sa pangyayaring ito.

Sadyang imposible ang magpakain ng ganun karami, subalit walang imposible sa Diyos. Dapat natin maunawaan ang himala sa pag dami ng pagkain ay hindi mangyayari kung hindi dumampi sa kamay ni Hesus ang 5 tinapay at 2 isda.

5 tinapay at 2 isda lamang ang nasa kamay ng kanyang disipolo nung mga oras na iyon, hindi nanghingi o naghanap ng iba pa si Hesus. Ang kanyang pinarami ay kung ano ang nasa kamay ng disipilo. Kapatid, hindi naghahanap ng iba pang bagay ang Diyos sa buhay mo. Hindi niya tinitingnan kung ano ang mga bagay na wala ka, ng kakayanan na hindi mo taglay, ng pang unawa na napakataas, at kayamanan na sobra sobra. 

Sigurado akong wala kang 5 tinapay at 2 isda sa kamay mo sa oras na ito, subalit ano ang meron ka na maaari mong ilagay sa Kamay ng Diyos upang dumami, lumago, at maging kapaki pakinabang?...walang iba kundi ang buhay mo. Hanggat hindi mo ilagay ang buhay mo sa kamay Niya huwag mong asahan na iyan ay magiging makabuluhan. 

Maaari mong sabihin ngayon na marami nga ang mga masasamang tao at walang Diyos na nagtatagumpay sa buhay, ang tagumpay na tinutukoy mo ay pang sanlibutan lamang, tagumpay na tila latang walang laman sa harap at mata ng Panginoon. Hindi iyan totoong tagumpay.

Katulad ng 5 tinapay at 2 isda na maaari ka lamang itawid sa gutom para sa isang kainan o isang araw subalit paano na ang bukas? Paano ka makapag bibigay sa mga mahal mo at sa ibang tao kung ang hawak mo ngayon ay sapat lamang para sa sarili mo, para sa isang araw? At kung minsan ay kahit sa pang sarili mo na lamang ay kulang pa nga.

Hindi isinaad sa kasulatan na nagtanong si Hesus kung anong pagkain ang natatago ng disipolo na maaari niyang paramihin upang ipakain sa mga taong naroon bagkos kusang itong sinabi ng disipolo dahilan na rin siguro sa pagka taranta at pagka bagabag kung paano nila mapapakain ang ganun karami.

Tulad ng disipolo, kusa mong iharap sa Diyos ang buhay mo, aminin mo ang iyong mga kahinaan at pagkakamali, sabihin mo sa kanya na “Panginoon imposibleng maabot ko ang mga nais ko sa aking buhay sa pamamagitan lamang ng mga bagay na meron ako ngayon, sa pamamagitan ng limitado kong kaalaman, sa pamamagitan ng mahina kong pangangatawan, subalit alam kong sayo nagmula ang lahat ng bagay at lahat ng bagay ay maaari mong magawa dahil ikaw ang Makapangyarihang Diyos”. 

Huwag mong tingnan ang malalaki at mga popular na mga taong nagsasabi na lingkod ng Diyos, huwag mong sabihin na “eh kaya naman sila ganyan…ay dahil sa……”. Nakatitiyak akong bukod sa mga pangarap naten pansarili ay nangangarap din tayo ng malaki para sa ating pamilya, nakalulungkot lamang dahil karamihan sa mga pangarap na ito  ay puro patungkol sa material. 

Huwag natin kaligtaan na ang Diyos ay hindi madamot, sinabi niyang aanihin mo ang anumang iyong itinanim. Itanim mo ang buong buhay mo sa kamay ng Panginoon. Lumakad sa katuwiran niya ng may buong pananampalataya na ikaw ay hindi Niya iiwan kailanman lalo na sa mga oras na napakalakas ng pagkilos ng Demonyo. At sa bawat pagbagsak mo ay hindi ka mag-iisang tatayo at magpapatuloy sa paglakad.  


Matthew 14:21
And those who are were about five thousand men, besides women and children


At sa pagpapatuloy mo sa direksyon ng Panginoon, sa direksyon na iginuhit ng Diyos bago ka pa ipinanganak makikita mo kung gaano kalaki ang halaga mo sa mundong ito. Magkakaroon ka ng significance na maaaring ni minsan ay hindi mo inakalang magagawa mo katulad na lamang ng pagpapakin sa mahigit sa 5,000 tupa ng Panginoon.

IN CHRIST, YOU ARE BIGGER THAN WHO YOU THINK YOU ARE

God Bless, All for the Glory of Christ Jesus